Babasahin
Taglagas 2021
Duterte payag na sa casino sa Boracay
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2021 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/08/28/2123155/duterte-payag-na-sa-casino-sa-boracay
MANILA, Philippines — Nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbabago ng kanyang pananaw sa sugal lalo na mga itinayong pasugalan sa Boracay island sa Aklan.
Aminado si Duterte na may mga babatikos sa kanya dahil dati ay ayaw niya ng sugal pero hinihikayat niya ngayon ang pagbubukas ng gambling house para sa mga turista.
Sinabi ni Duterte na sana ay patawarin siya sa pagbabago ng isip dahil kailangan ng gobyerno ng pera kahit pa ito ay galing sa sugal.
“Patawarin na po ninyo ako for the contradiction. Ngayon po wala tayong pera. Kung saan man tayo makakuha ng pera, kukunin ko. Kung diyan sa gambling, so be it,” ani Duterte.
Unang ipinag-utos ni Duterte kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ipasara ang lahat ng pasugalan sa Boracay.
Aminado si Duterte na nagkamali siya at nawalan siya ng isang salita. Pero kailangan aniya ngayon ng pera para mapatakbo ang gobyerno.
“Ngayon, kung nagkamali ako, tama ‘yan, nagkamali ako. Kung wala akong isang salita diyan, tama ‘yan, wala akong isang salita diyan. Pero kailangan ko ng pera para patakbuhin ang gobyerno kasi marami akong gagastusan,” ani Duterte.

RECORD HIGH: Higit 19,000 bagong COVID-19 cases naitala sa Pilipinas
ABS-CBN News
Posted at Aug 28 2021 07:14 PM
https://news.abs-cbn.com/news/08/28/21/19441-bagong-covid-cases-naitala-sa-pilipinas
MAYNILA—Sumipa sa all-time high, o pinakamataas na antas, ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw.
Ayon sa DOH, pumalo sa 19,441 ang bilang ng mga bagong kaso.
Tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos.
Sa kabuuan, lagpas 1.935 milyon na ang naiulat na COVID-19 cases sa bansa, habang lumagpas din sa 33,000 ang mga namatay matapos madagdagan ng 167.
Higit 19,000 naman ang nadagdag sa mga gumaling.
Tumungtong din sa record high 27.5 porsiyento ang positivity rate, o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga tine-test ng COVID-19.
Ibig sabihin, sa kada 4 na tine-test sa sakit, isa ang nagpopositibo.
Nitong Sabado inanunsiyong palalawigin ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at mga karatig-lugar hanggang Setyembre 7. — May ulat ni Job Manahan, ABS-CBN News

Tagsibol 2019
Mga bakasyonista sa Boracay hinimok na maglaan ng oras para magnilay
https://news.abs-cbn.com/news/04/17/19/mga-bakasyonista-sa-boracay-hinimok-na-maglaan-ng-oras-para-magnilay
ABS-CBN NewsPosted at Apr 17 2019 08:06 PM
Bakasyon, pahinga, at pagsasaya ang karaniwang pakay ng mga turista kapag tumutungo sa mga puting buhangin ng Boracay.
Pero dahil Semana Santa, nanawagan ang assistant parish priest ng simbahan sa isla sa mga bakasyonista na gamitin ang pagkakataon para magnilay.
"Sana po ang pagbabakasyon bilang isang pamilya ay hindi lamang pag-uwi doon sa kasiyahan, kundi doon po sa pasasalamat na ang Diyos ay kailanman hindi naging manhid," ani Fr. Bong Suganob ng Our Lady of the Most Holy Rosary Church.
Hindi lang pamilya at sarili, isama na rin daw sa pagdarasal ang mga Pilipino at ang Pilipinas.
"Katahimikan na nagpapaalala ng kapayapan, hindi puro galit, kungi 'yong respeto," ani Suganob.
Ilang bakasyonista ang nagsabing bahagi ng bakasyon nila ang pag-alala kay Hesukristo.
"Sa Friday, mag-iikot kami sa mga churches," anang bakasyonistang si Bernadette Reyes.
May mga bahagi naman ng isla na kakaunti ang bumibisita at puwedeng makapagnilay nang tahimik gaya ng Puka Beach at Diniwid Beach.
Samantala, binisita naman ni Environment Secretary Roy Cimatu nitong Miyerkoles ang Bulabog Beach para silipin ang mga ide-demolish o bubuwaging estruktura at pagsasaayos sa gagawing kalsada.
"Itim na itim ang tubig nito dati. As soon as we put all in place, itong structures na ito, we'll be declaring this beach as a swimming beach," ani Cimatu.
Halos patapos na ang rehabilitasyon ng Boracay, ayon pa kay Cimatu.
Isinara ng 6 na buwan noong nakaraang taon, mula Abril hanggang Oktubre, ang Boracay para bigyang daan ang paglilinis sa isla dahil sa problema sa polusyon.
Samantala, sinabi naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na mahigpit na binabantayan ang bilang ng mga taong pumapasok sa Boracay.
Mahalaga raw kasing hindi lumampas ang bilang ng mga pupunta sa kayang dami ng tao ng isla.
Ipinagbawal umano ng Boracay Inter-Agency Task Force ang mga cruise ship sa Boracay kapag peak season.
"Hindi puwedeng pumasok ang cruise ship sa Boracay because carrying capacity," ani Puyat.
Binalaan din ni Puyat ang mga hotel at resort na nagbukas at kumukuha ng reservation kahit walang accreditation ng Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources, at Department of the Interior and Local Government.
"Kung nahuli namin sila na bukas, they will be dealt with accordingly," aniya.
Nagpaalala naman si Puyat sa mga bibiyahe sa Boracay at iba pang tourist destination na maging responsable lalo at mahigpit na babantayan ang pagsunod sa mga patakaran sa bawat destinasyon. --Ulat nina Ron Gagalac at Jeff Canoy, ABS-CBN News

EDITORYAL - Sector ng agrikultura, bigyang prayoridad
(Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2019 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/01/30/1889358/editoryal-sector-ng-agrikultura-bigyang-prayoridad
NEGOSYONG may kaugnayan sa pagkain ang patok daw ngayong 2019. Hindi malulugi sapagkat lahat ay kumakain. At saan ba galing ang pagkain? Sa sector ng agrikultura di ba? Kapag humina ang agrikultura, apektado ang nasa food business. Mawawalan sila ng supply. Mawawalan ng trabaho ang marami. Kaya kung mayroon mang dapat atupagin o iprayoridad ang gobyerno, ito ay ang sector ng agrikultura.
Kung maunlad ang agrikultura, marami ang magkakaroon ng trabaho. Wala nang magbabalak pang magtungo sa Saudi Arabia, Hong Kong, Singapore at iba pang bansa para magtrabaho. Hindi na kailangang lumayo pa sa pamilya para lamang kumita. Narito na sa bansa ang pagkakakitaan. Malawak at mayaman ang lupain ng bansa kaya hindi dapat mawalan nang pag-asa ang mamamayan.
Sa isang surbey kamakailan, marami ang nagsabing nakaranas sila ng gutom. Dahil sa nararanasang gutom, napipilitan silang magnakaw at mangholdap. Kung magkakaroon nang maraming trabaho, magkakaroon nang kaayusan at kapanatagan sa bansa.
Sa aming paniwala, ang pagpapaunlad sa sector ng agrikultura ang nararapat tutukan ng Duterte administration. Buhusan ang pagpapaunlad sa mga bukirin. Suportahan ang mga magsasaka. Gumawa ng irigasyon at mga kalsada sa kanayunan para mabilis na madadala ang kanilang ani o produkto sa bayan. Bigyan sila ng mga binhi ng palay na madaling anihin at agad napapakinabangan.
Noong nakaraang taon, nag-alok ng tulong ang Japanese government para sa pag-unlad ng mga magsasakang Pinoy. Magandang pagkakataon ito na hindi dapat palampasin.
Linggo Isa at Dalawa
Pulitika
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/01/24/1887621/pulitika
MABUTI naman at nilinaw kaagad ng Department of Tourism (DOT) na wala silang kinalaman o koneksyon sa WOW Pilipinas party list, matapos makita ng buong mundo ang kanilang napakalaking mga logo sa sahig ng boxing ring, pati sa mga poste ng nasabing ring kung saan lumaban si Manny Pacquiao at Adrien Broner. Nanalo si Pacman sa laban. Pinuna rin nang marami ang pagbuhat ni Bato dela Rosa ng belt ni Manny.
Wala sanang problema kung hindi eleksiyon. Kung gusto nilang gumastos ng milyun-milyong piso – hindi mura ang maglagay ng advertisement sa MGM Grand Arena, Las Vegas – wala sanang isyu, kung hindi eleksiyon. At kung gustong sumama ni Bato sa lahat ng laban ni Manny ngayong pribadong mamamayan na siya ay wala ring problema, kung hindi eleksiyon. Delikadesa lang ang tawag diyan. May pelikula pa si Bato ngayong katapusan ng buwan. Ayon sa Comelec, wala naman daw paglalabag ito, pero sa mata ng ibang tao, meron. Galing ng timing.
Lumalabas na napasok na rin ng pulitika ang laban ni Manny. Siguradong ipagtatanggol nila iyan nang husto. Baka pati si Manny ay ipagtanggol din iyan. Buti hindi nakasulat sa kanyang shorts ang pangalan ng kandidato o party list. Pero marami na nga ang pumupuna, pati ang DOT ay naglabas na ng hindi magandang pahayag tungkol dito. Labag daw ang ginawa ng party list sa mandato ng kagawaran na paunlarin ang turismo sa bansa, at hindi mamulitika. Si Manny rin ay bayani sa mata ng lahat ng Pilipino, kahit ano pa ang kanyang paniniwala sa pulitiko. Hindi dapat napupulitika ang kanyang mga laban, dahil ang buong bansa naman ang nasa likod niya.
Iba-iba na talaga ang mga pamamaraan ng mga kandidato para makilala o maalala pagdating ng eleksiyon. Dahil panahon na ng pangangampanya, todo na ang mga kandidato. Hindi na sapat ang mga tradisyonal na pangangampanya. Pero ang hindi ko maisip, ay kung magkano ang inabot para malagay ang kanilang pangalan sa laban ni Pacquiao. Paano na nila mababawi ang ganyan kalaking gastusin?
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/01/24/1887621/pulitika#5j49P9G21Td1sPbZ.99

Taglagas 2018
Linggo Siyam
Ito’y kasunod na rin ng naganap na landslide doon na dulot ng bagyong Ompong, at nagresulta sa pagkamatay ng may 54 katao habang may 42 iba pa ang nawawala.
Andy Zaata Jr.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/09/18/1852485/small-scale-mining-ipinatigil-ng-denr#bOYSbsGXSZRVSBxe.99
Small-scale mining ipinatigil ng DENR
Mer Layson, Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2018 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/09/18/1852485/small-scale-mining-ipinatigil-ng-denr
Sa Cordillera
MANILA, Philippines — Ipinatitigil na ng Department of Environment and Natural Resources ang mga small-scale mining operations sa Cordillera Administrative Region.
Ito’y kasunod na rin ng naganap na landslide doon na dulot ng bagyong Ompong, at nagresulta sa pagkamatay ng may 54 katao habang may 42 iba pa ang nawawala.
Nabatid na nagpalabas kahapon si Environment Secretary Roy Cimatu ng cease and desist order laban sa operasyon ng mga maliliit na minahan sa rehiyon.
Epektibo rin nitong Lunes ay binawi na rin ni Cimatu ang mga temporary permits na ipinagkaloob sa mga small-scale mining companies.
Plano rin umano ni Cimatu na magpakalat ng mga pulis at mga sundalo para matiyak na maipapatupad ang naturang cease and desist order.
Ang kautusan ni Cimatu ay kasunod ang naganap na landslide sa Itogon, Benguet.
Karamihan sa mga nasawi at nawawala sa insidente ay mga minero na naninirahan sa mga bunkhouse na natabunan sa pagguho ng lupa sa lugar.
Nilinaw din ni Cimatu na karamihan sa mga nagmimina ng small-scale sa Itogon at ibang parte ng CAR ay illegal at hindi mula sa Itogon kundi mula sa Ifugao habang ang mga may hawak na temporary permits para sa small scale mining ay binawi ng DENR dahil sa nangyaring landslide sa Itogon.
Samantala, sinabi naman ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na matagal nang sarado ang minahan na Benguet Corporation subalit nagbibigay ito ng temporary mining contracts sa mga small scale miners.
Umapela naman si Palangdan kay Cimatu na huwag lahatin ang pagpapatigil sa small-scale mining operations sa Benguet dahil nangyari lamang ito sa abandoned mining tunnel at may mga lugar na delikado.
Aniya, ilang ulit pinuntahan ng local police at tauhan ng munisipyo ang mga residente sa site upang lumikas dahil hindi ligtas ang nasabing lugar subalit minabuti ng mga ito na manatili sa lugar at mas pinili na manatili sa make-shift chapel na mga old mining bunkhouse bilang kanilang evacuation center.

Linggo Walo
Political dynasties lalala sa pederal
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - September 10, 2018 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/09/10/1850196/political-dynasties-lalala-sa-pederal
PINAKA-MATINDING argumento kontra pederalismo ang paghahari ng political dynasties. Kung tutuusin nga pinananatili ang dynasties sa panukalang konstitusyon ng gobyernong pederal. Lalong makapag-aabuso at makapag-nanakaw ang dynasties sa gan’ung sistema.
Bahagya lang ang pagbawal sa political dynasties. Sakop lang ang magkakamag-anak hanggang second degree sa dugo o dugtong, lehitimo o hindi, buo o kalahating dugo. Ibig sabihin, asawa, anak, kapatid, apo, lolo’t lola, biyenan, manugang, bayaw, hipag, kinakasama, at ampon. Bawal sila kumandidato nang sabay o magkasunod sa parehong posisyon. Pero maaring isa sa pambansa at isa sa lokal.
Hindi pa rin maipapatas ang pagkakataong mapuwesto. Masesentro pa rin sa iilang pamilya ang poder. Halimbawa: Tatay tatakbong kongresista sa distrito ng Kami-Kami; Anak para gobernador ng probinsiya ng Pa Rin; at mga paboritong pinsan para mga mayor ng capital city ng Aangal at kapanganakang bayan ng Ka Ba. Sa pamamagitan ng baril, pera, at maton, mananalo sila at maghahari sa hurisdiksiyon ng Kami-Kami, Pa Rin, Aangal, Ka Ba. Maari silang mahalal nang tig-dalawang termino, tapos magri-rigodon lang sila.
Simula agad umano ang pagbawal sa dynasties. Pero depende ‘yan sa interpretasyon. Maghahalalang pambansa at lokal para magbago sa pederal sa Mayo 2022. Maaring ituring ‘yon na bagong panimula. Lahat ng magkaka-dynasty ay maaring kumandidato. Tigalawang terminong apat na taon sila. Saka pa lang papasok ang pagbawal sa dynasties,
Kasalukuyang Kongresong hawak ng dynasties ang mag-aapruba ng panukalang konstitusyon. Pangangarap nang gising, isiping hindi nila buburahin ang probisyon kontra dynasties.
Tuloy ang ligaya nila -- sa pera nating mamamayan.

Linggo Anim
Mactan Airport gagawing Lapu-Lapu Int’l Airport
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2018 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/08/28/1846446/mactan-airport-gagawing-lapu-lapu-intl-airport
MANILA, Philippines — Ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kauna-unahang Pilipino na nagtanggol laban sa mga mananakop na dayuhan na si Lapu-Lapu ay kinalimutan lamang at sa halip ay kinakain lamang araw-araw.
“Nasasaktan akong makita na kinakain lang si Lapu-lapu araw-araw,” wika pa ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe kahapon sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani.
“Si Lapu-Lapu ang unang Pilipinong pumatay sa isang dayuhang sumakop sa ating bansa pero kinalimutan siya ng kasaysayan,” dagdag niya.
Upang hindi makalimutan ng taumbayan ang nagawa ni Lapu-Lapu ay pabor si Pangulo na ipangalan dito ang Mactan International Airport sa Cebu at gawing Lapu-Lapu International Airport.
Hinikayat din ng Pangulo ang bawat Filipino na tularan ang ginawang sakripisyo ng mga nag-alay ng buhay upang makamit ang kalayaan at demokrasya.
Kinilala din ng Pangulo ang ginawang kabayanihan ng mga pulis, sundalo at mga overseas Filipino worker.

‘Appointment ni de Castro walang pulitika’- Digong
Rudy Andal, Doris Franche-Borja, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2018 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/08/28/1846448/appointment-ni-de-castro-walang-pulitika-digong
MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang halong pulitika ang pagtatalaga niya sa bagong Chief Justice na si Teresita de Castro sa Korte Suprema.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview kahapon sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani na seniority ang kanyang naging batayan sa pagpili kay CJ de Castro.
“Kung sino yung unang pumasok, siya iyung unang ma-promote,” paliwanag pa ng Pangulo sa Malacañang reporters.
Magugunita na umani ng batikos sa kanyang kritiko ang pagtatalaga kay de Castro dahil bayad-utang daw ito sa naging papel nito sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Samantala, pagkakaisa ang hiling ni de Castro matapos ang iba’t-ibang reaksiyon sa pagkakapili sa kanya ng Pangulo.
Marami ang naging masaya para sa kanya at marami rin naman ang nadismaya.
Tiniyak naman ni De Castro na gagawin niya ang lahat para maayos ang hudikatura sa maiksing panahon ng kanyang panunungkulan.
Todo naman ang pasasalamat nito sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil kahit hindi sila personal na magkakilala ay pinagkatiwalaan pa rin siya ng Pangulo na pangunahan ang Mataas na Hukuman.
Ipinagtanggol ng mga miyembro ng mayorya sa Kamara ang ginawang pagtatalaga ng Pangulo kay de Castro bilang bagong Mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, ginawa lamang ng Pangulo ang mandato nito sa pagpili ng bagong punong mahistrado ng korte.
Hinikayat naman ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chair at Samar Rep. Ben Evardone ang mga kritiko na igalang ang pasya ng Pangulo sa kung sino ang nais nitong maging chief justice.

Linggo Labinwalo
Pasko Na Naman
Ang Pasko ay Sumapit
Awitin Mo at Isasayaw Ko
Bebot
Harana
Ikaw
Ang Pasko ay Sumapit
Awitin Mo at Isasayaw Ko
Bebot
Harana
Ikaw
Linggo Labinpito
Lupang Hinirang
Linggo Labing-Anim
Diplomatic protest vs China giit ni Leni
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2018 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/05/07/1812835/diplomatic-protest-vs-china-giit-ni-leni#ccVgJYEj38bk3dBB.99

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng labis na pagkaalarma ang kampo ni Vice Pres. Leni Robredo hinggil sa mga ulat na pagtatayo ng mga missile system sa tatlong isla sa West Phillipine Sea na bahagi ng South China Sea na pag-aari ng Pilipinas.
“We are alarmed at the reports stating that the People’s Republic of China has installed missile systems on 3 of our islands in the West Philippine Sea, namely, Kagitingan, Zamora, and Panganiban Reefs,” wika ni Robredo.
Dahil dito ay hinikayat ni Robredo ang administrasyong Duterte na magsampa ng diplomatic protest laban sa bansang China upang igiit ang karapatan ng Pilipinas.
Binatikos din nito ang umano’y tumitinding militarisasyon sa Philippine Waters, labag umano ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“The increased militarization is in violation of UNCLOS and serves to contribute to regional instability, compromise our security, and further curtail our sovereignty,” dagdag ni Robredo.

Linggo Labing-Apat
boracay_shutdown_umpisa_na_ngayon.docx | |
File Size: | 105 kb |
File Type: | docx |
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/04/26/1809586/boracay-shutdown-umpisa-na-ngayon
MANILA, Philippines — Isinara na ang Boracay Island upang bigyang daan ang anim na buwang paglilinis at rehabilitasyon sa lugar.
Nabatid na nasa 630 pulis ang naka-deploy ngayon sa isla kasama ang 200 sundalo at iba pang law enforcers para sa pagbibigay seguridad sa Caticlan jetty port at buong isla.
Naka-standby na rin ang puwersa ng Philippine Coast Guard, PNP-Maritime Group at Philippine Navy upang tumulong sa mga emergency situation at pagpapatrulya sa karagatang sakop ng isla.
Ayon kay Chief Supt Cesar Hawthorne Binag, director ng Western Visayas Police, mahigpit na ipatutupad ang “one entry, one exit, no ID, no entry” para sa mga residente at manggagawa habang ang mga turista ay hindi papayagang makapasok sa isla simula ngayon.
Samantala, isinailalim na rin sa code white alert ng Provincial Health Office ang lahat ng mga private at public hospitals at iba pang government health facilities sa Aklan kasama ang kaisa-isang ospital sa Boracay simula noong Abril 23 hanggang Mayo 15, 2018.
Bahagi ito ng contingency plan upang agad na makaresponde sa mga emergency sa panahon ng Boracay closure gayundin sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 14.
Nagsagawa rin ng review at simulation ng security plan sa pangunguna ng mga pulis, sundalo at Philippine Coast Guard at iba pang law enforcers bilang paghahanda sa anumang maaaring mangyari sa loob ng halos anim na buwang closure order.
Ilan sa mga pinaghandaang banta na maaaring mangyari ay ang kilos-protesta, paglubog ng bangka, pag-atake ng mga terorista at ang iligal na pagpasok ng mga turista.
Naka-standby na rin ngayon ang barko ng Coast Guard sakay ang halos 40 personnel.
Kahapon ay pila-pila rin ang mga workers na kumukuha ng terminal pass na bahagi ng requirements sa muling pagpasok sa isla habang ipinapatupad ang closure order.
Ilang araw naman bago ang pagsasara ng Boracay Island ay sinulit na ng libong mga turista na karamihan ay mga dayuhan ang kanilang bakasyon sa isla habang bagsak presyo rin ang mga ibinebentang ‘islands souvenirs’ dito.
Nakatakda namang bumisita sa Boracay si PNP chief Gen. Oscar Albayalde para personal na alamin ang sitwasyon sa lugar at mag-inspeksiyon sa ipinatutupad na seguridad ng mga pulis sa isla.

Linggo Labindalawa
Philippine-China military cooperation palalakasin pa - Duterte
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2018 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/04/12/1805146/philippine-china-military-cooperation-palalakasin-pa-dutertewww.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/04/12/1805146/philippine-china-military-cooperation-palalakasin-pa-duterte
MANILA, Philippines — Naniniwala si Pangulong Duterte na mapapalakas pa ang military at defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang opening remarks sa bilateral meeting nila kamakalawa ng gabi ni Chinese Pres. Xi Jinping sa Hainan, China.
Sinabi ni Pangulong Duterte, maisasagawa ito sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation noong 2004.
Sa kasalukuyan ay walang joint military agreement ang Pilipinas at China, gaya ng Mutual Defense Treaty (MDT) sa Estados Unidos.
Kasabay nito, personal na pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Xi sa ibinigay na military assistance ng China noong kasagsagan ng operasyon laban sa ISIS-Maute terror group sa Marawi City.
Ibinida pa ni Pangulong Duterte na ang nakapatay sa lider ng mga terorista na si Isnilon Hapilon ay ang rifle mula sa China.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/04/12/1805146/philippine-china-military-cooperation-palalakasin-pa-duterte#luBQZrVc413LIzws.99

Linggo Labing-Isa
Peligrosong kape?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2018 - 12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/04/03/1802313/peligrosong-kape

NOONG Miyerkules, nagbaba ng desisyon ang isang huwes sa California, na kailangang lagyan ng babala ang kape, tulad ng mga babala sa mga sigarilyo. May pag-aaral na ginawa kung saan may sangkap daw ang kape, ang acrylamide, na nakukuha sa pagluto nito ay may kaugnayan sa cancer. May grupo na nagsampa nga ng demanda laban sa mga kilalang kumpanyang kape, dahil sa kawalan ng babala raw sa kanilang produkto. Ilang taon nang tumatakbo ang kaso. Pero bago kayo tumigil sa kaiinom ng inyong paboritong kape sa umaga, kailangan ninyong malaman na noong 2016, tinanggal ng WHO ang kape sa listahan ng mga pagkain na may posibleng kaugnayan sa cancer.
Bagama’t totoo na malaki ang kaugnayan ng acrylamide sa cancer, masyadong maliit daw ang nasabing sangkap sa kape, ayon sa ilang dalubhasa. At maraming pagkain daw ang may sangkap na acrylamide kapag niluluto, tulad ng fench fries. Mas maraming kinakain na french fries naman ang tao kaysa sa pag-inom ng kape. At eto pa, may pag-aaral na may benepisyo naman ang kape sa mga ugat natin. Sa ginawang pag-aaral, nakita nila na higit limampung porsyento ng mga nakilahok na umiinom ng dalawa, tatlo o, higit pang tasa ng kape bawat araw ay may mas konting deposito ng calcium sa kanilang mga ugat. Ang pagdeposito ng calcium sa ugat ang sanhi ng pagbara nito, na maaaring mauwi sa atake sa puso o stroke.
Iba na ang mundo ngayon. Ang impormasyon, totoo man o hindi, ay napakabilis na makarating sa atin. Kaya ang importante ay siyasatin mismo ang mga impormasyon. Salain kung ano ang totoo at kung ano ang “fake news”. Pagdating sa kalusugan, maraming pag-aaral, pagsisiyasat at balita tungkol sa mga benepisyo, at kasamaan ng iba’t ibang pagkain. Baka wala na tayong makain kung lahat ay masama nito, masama niyan. Ang sabi nga, pag dating sa pagkain, hinay-hinay lang. Lahat naman ng bagay, kapag sumobra, ay may kasamang masamang epekto sa katawan. Ngayon, kung hindi kayo makadesisyon kung masama o mabuti ang kape, uminom na lang ng tsaa o tubig.

Robredo una na sa SWS survey
Ni Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) | Updated April 26, 2016 - 12:00am
http://www.philstar.com/bansa/2016/04/26/1576734/robredo-una-na-sa-sws-survey
MANILA, Philippines - Nanguna na si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo sa bagong survey ng Social Weather Stations.
Sa SWS survey na ginawa mula April 18 - 20 at may 1,800 respondents, nakakuha si Robredo ng 26 percent habang si Sen. Ferdinand Marcos Jr. ay may 25 percent.
Nakakuha si Robredo ng dagdag na pitong puntos mula sa huling survey na ginawa noong March 30 hanggang April 2.
“Kailangan nating i-maintain iyong lead kaya ipinagdadasal natin na iyong 14 days enough para ma-maintain natin iyon,” wika ni Robredo sa isang panayam sa radyo.
Ikatlo si Sen. Chiz Escudero na may 18 percent habang sina Sens. Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes at Gregorio Honasan ay may 18, 5 at 2 percent.
Ayon sa political science professor na si Edmund Tayao, ang pagtaas ni Robredo ay dahil sa maganda niyang performance sa mga nakaraang debate at sa epektibong strategy ng kanyang kampanya.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: Sa Bilang Pilipino-SWS mobile survey na ginawa pagkatapos ng ikalawang debate noong April 17, 33 porsiyento ng tinanong ay nagsabing si Robredo ang nagwagi.
Kilalang abogado ng mahihirap, nagbigay si Robredo ng libreng serbisyong legal sa mahihirap na sector ng lipunan, kabilang ang magsasaka, mangingisda at inaabusong kababaihan sa mahabang panahon bago naging mambabatas.
Samantala, napanatili ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pangunguna.
Lumayo na ang agwat ni Duterte kay Sen. Grace Poe. Nakakuha si Duterte ng 33 percent habang 26 percent si Poe. Ginawa ang survey matapos ang kontrobersyal na ‘rape joke’ ni Duterte.

Poe magdedeklara ngayon
Ni Malou Escudero at Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 16, 2015 - 12:00am
http://www.philstar.com/bansa/2015/09/16/1500262/poe-magdedeklara-ngayon
MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ng tanggapan ni Sen. Grace Poe na may importanteng iaanunsiyo ang senadora ngayong araw.
“Sen. Grace Poe will make an important announcement in connection with her plans for the 2016 National Elections,” anang pahayag.
Alas-6 ngayong hapon gagawin ng senadora ang deklarasyon sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman, Quezon City.
Samantala, nakatakda na ring magdeklara ng kanyang kandidatura si Sen. Chiz Escudero bilang bise presidente.
Sina Poe at Escudero ang inaasahang magiging magka-tandem sa 2016.
Gaganapin ang deklarasyon ni Escudero sa Setyembre 17 sa Kalayaan Hall ng Club Filipino alas-10 ng umaga.
Kaugnay nito, hindi dadalo si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa inaasahang deklarasyon ni Poe na pagsabak sa 2016 Presidential Elections ngayong araw.
Ayon kay Belmonte, imbitado siya sa event ni Poe bilang courtesy dahil sakop ng kanyang distrito ang UP Diliman subalit hindi umano ito dadalo dahil nasa Batasan Complex at may sesyon sa hapon.
Subalit base umano sa nakalap niyang impormasyon, parang “addressing the people” lang ang gagawin ni Poe.
Nanawagan naman si Belmonte sa iba pang mga Kongresista na bagama’t imbitado sa event ni Poe ay unahin sana ng mga ito ang kanilang trabaho sa plenaryo.